Paano na ang Noche Buena?

Pinahinto ng mga ki­na­uukulan sa Saudi ang mga malalaking kompan­ya sa Gitnang Silangan na nagpi­pintura sa kalsada na karamihan ay mga Pinoy workers.

Ang siste  dahil hindi pa tapos ang trabaho ay hindi pa rin nakabayad sa kanilang among Arabo ang mga kontrata na nakuha nila, kaya hindi pa rin maka­singil ang mga ito.

Ang ending, wala pa ring pangsusuweldo sa mga kababayan natin, na wala ring maipapadala sa kani-kanilang pamilya rito sa bansa.

Kung kelan pa naman malapit na ang Pasko ay saka naman maraming Pinoy na manggagawa ang naapektuhan maging siyempre ang kanilang pamilya na umaasa na kahit malayo ang kanilang asawa at tatay ay maipapadala itong pera ngayong kapaskuhan.

Paano na ang mga Pinoy na bukod sa malungkot na Pasko ay mawawalan pa ng trabaho sa darating na bagong taon?

 

Show comments