Tips sa Pagpapagasolina ng Sasakyan

1-Magpa-gasolina sa umaga kung kailan malamig pa ang temperature. Ang storage tank ng mga gasolinahan ay nasa ilalim ng lupa. Kapag ang lupa ay mainit, gasoline expands. At kapag nag-expand, tataas din ang gravity nito. Kapag hinigop ito ng pump para isalin sa iyong sasakyan, palibhasa ay “mabigat”, ang one gallon na binili ay hindi magiging eksakto. Sa ayaw at sa gusto mo, magkukulang ang binili mong one gallon dahil iyon ang “nature” ng gasolina. Hindi ba ninyo napapansin kapag tag-ulan, parang matagal maubos ang gasoline ng inyong sasakyan. Kasi tama ang sukat ng gasolinang inyong nabibili.

2-Kapag nakita ninyong may tanker truck na nagfi-fill up ng gasoline sa gas station, ipagpaliban muna ang pagpapagasolina o lumipat na lang ng ibang station. Kapag nakipagsabayan ka, ang “latak” sa kanilang imbakan ay may tsansang mailipat sa  gas tank ng iyong sasakyan. Naliliglig ang laman ng kanilang imbakan kasama na ang latak sa pinakailalim kaya mabilis na mahihigop ng pump na nakasubo sa iyong gas tank.

3-Kapag magpapa-full tank, gawin ito habang half-full or half-empty ang laman ng inyong gas tank para kaunti lang ang hangin sa iyong gas tank. Kapag maraming ha­ngin, kaunti lang ang space para sa gas. (Source: snopes.com/inboxer/household/gastips.asp)

 

Show comments