Para maging hot ang sex life
Wala bang kabuhay-buhay ang sex life ninyong mag-asawa? Gawin ninyo ang mga sumusunod sa inyong bedroom:
1-Tanggalin ang mga kalat sa bedroom kasama na ang mga abubot sa ilalim ng kama.
2-Tanggalin ang mga bagay na magpapaalala ng past relationship. Halimbawa, magpalit ng bagong bed. Baka ang bed na ginagamit ninyo ay yung ginamit pa sa past relationship. Utang na loob, palitan na ‘yan.
3-Buksan ang bintana araw-araw upang makapasok ang sunlight at fresh air na magdudulot ng positive energy.
4-Kung magdidispley ng kahit anong dekorasyon, gawin itong dalawa o pares.
5-Para makalikha ng romantic at sexual energy, magsindi ng 2 red or purple na kulay ng kandila kapag pareho kayong nagpapahinga na sa bedroom.
6-Haluan ng 3 tablespoons rock salt ang tubig na ipangbabanlaw mo sa iyong katawan tuwing maliligo upang matanggal ang negative emotion na idinulot sa iyo ng past relationship.
7-Magdispley ng dalawang pares na fresh orchids sa side table malapit sa inyong bed. Kapag nalanta na ang orchids ay alisin na ito at next month na ulit maglagay. Masamang madispley ng fresh flower nang permanente sa bedroom. Baka mapasobra ang sexual energy at magresulta ng pangangaliwa. Orchids act as aphrodisiac.
8-Magdispley ng gamit na yari sa copper, garnet or ruby stone malapit sa bed.
- Latest