Nangungulila sa Ama
Dear Vanezza,
Ako po si Jasmin. Apat na taon na po ang asawa ko sa Saudi. Nagtitiyaga siyang magtrabaho doon dahil dalawa ang anak namin nag-aaral sa private school. Ang isa ay 3rd year na sa college. Ang bunso namin ay grade V. Ayaw po niyang umuwi hanggang hindi tapos ang anak namin. Pero nahihirapan na po ako sa dalawa naming anak. Dahil matitigas ang ulo. Kailangan nila ng kalinga ng ama. May trabaho ako pero kulang pa rin. Pero okey lang sa amin kahit sa public school sila mag-aral pero ayaw ng asawa ko. Ano po ang gagawin ko?
Dear Jasmin,
Mag-usap kayong mag-asawa kung ano ang makabubuti sa inyong pamilya. Ipaliwanag mo sa kanya na maraming trabaho ang mapapasukan sa bansa, kaysa sa malayo sa inyong anak na naghahanap ng kalinga ng ama. Paliwanagan mo rin ang mga bata na huwag sayangin ang paghihirap ng kanilang tatay sa ibang bansa. Nawa’y maging maayos ang iyong pamilya na magkakasama.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest