Tanggalin ang Pangingitim ng Lips

Maraming dahilan kung bakit nangingitim ang labi: paninigarilyo, sun burn, matagal na paggamit ng lipstick at pollution. May 3 paraan ng pagtanggal ng pangingitim:

1-Lemon: Bago matulog, magpahid sa lips ng lemon juice na hinaluan ng honey at olive oil. Kailangang may oil dahil ang ating lips ay walang oil-producing glands. Makakatulong ito para hindi matuyo ang labi dulot ng acid sa lemon. Haya­ang nakababad magdamag. Gawin ito gabi-gabi sa loob ng isa o dalawang buwan. Banlawan ang lips.

Ingredients:

– 1 teaspoon of honey

– 1 teaspoon olive oil

– one-half teaspoon lemon juice

2-Patatas: Mayroon itong  “catecholase,” isang uri ng enzyme na may kakayahang magpa-“lighten” ng balat. Balatan ang patatas. Bumawas ng isang slice at ipahid sa lips nang paulit-ulit sa loob ng 5 minuto. Gawin ito bago matulog. Hayaang na­kababad sa lips magdamag. Gawin nang regular.

3-Pipino: Maghiwa ng pipino. Ipahid sa lips sa loob ng 5 minuto. Gawin araw-araw.

* Kung lalabas ng bahay, magpahid sa lips  ng lip balm na may SPF 15 or mas mataas pa upang magkaroon ng proteksiyon sa sun rays.

Show comments