Alam n’yo ba?

Ang Komisyong Taft ang nagpanukala sa pagtatag ng paarang pambayan. Naglabas ng Batas Bilang 74 na nagtakda ng libreng pag-aaral sa mga paaralang pambayan. Nagpahintulot ang batas na ito na magtatag ng paaralang normal sa mga Pilipinong nais na maging guro. Inalis ang batas ang pagtuturo ng relihiyon. Nag-utos din ang batas na magpapadala ang America ng mahuhusay na gurong Amerikano sa ‘Pinas. Taong 1901, dumating ang 600 na tunay na gurong Amerikano. Sila ang mga Thomasites na sakay ng bapor military na S.S Thomas. Sila ang pumalit sa mga gurong sundalo.

Show comments