^

Para Malibang

Sweet potato ‘di ‘kapamilya’ ng patatas

Pang-masa

Isang gulay ang patatas na maraming starch (carbohydrates) kaya para ka na ring kumain ng kanin, pasta, o tinapay kung ang nutrisyon ang pag-uusapan. Tulad din ng bigas wheat, at mais ang paatas ay isa sa mga importanteng parte ng diet ng mga tao sa mundo. Minsan inilalagay ang patatas at mina-mash na kapareha ng steak. Minsan naman, ipiniprito ang patatas at ipinapares sa isda. May mga bansa kasing patatas ang ipinapares sa ulam sa halip na kanin na kadalasag makikita naman sa mga bansa sa South East Asia.

Pero alam n’yo ba na ang patatas ay napu-pollinate ng mga insekto tulad ng bumblebee. Ang mga patatas ay madali namang mabulok pagkabili sa palengke pero mabilis naman itong patubuin. Kaya dapat ay kung may patatas kayo, mas maganda kung lutuin na ito agad. Nasa 39 °F naman dapat ang temperatura ng mga storage facilities ng patatas para hindi agad maging “sugar” ang potato starch nito na makakaapekto sa lasa ng patatas.

Ang sweet potato o kamote naman ay isang root vegetable at hindi related sa mga patatas. Kahit magkapangalan ito ay hindi sila maituturing na “magkapamilya”.

Maraming luto ang puwedeng gawin sa patatas, pwede itong ilaga, iprito, gawing salad o chips. At sa rami ng bitamina at nutrisyon nito, hinding hindi ka manlulupaypay kahit walang kanin basta may patatas. Burp!

ACIRC

ANG

ISANG

KAHIT

KAYA

MARAMING

MGA

MINSAN

PATATAS

PERO

SOUTH EAST ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with