Paano patawarin ang sarili?
Minsan may mga bagay nagawa o nasabing mali na pinagsisihan sa bandang huli.
Nagkakaroon tuloy ng struggle na patawarin ang sarili lalo na kung nakasakit ng damdamin ng ibang tao. May mga hakbang para mapatawad ang sarili:
Aminin: Bago mapatawad ang sarili, kailangan maliwanagan muna kung ano ang nangyari. Isulat ang mga detalye ng event at pati na ang sariling action na nagpalala ng sitwasyon. Pigilin ang sarili na isisi pa sa ibang tao o sa ibang bagay ang nangyari. Magpokus lamang sa sarili. Maaaring maging vulnerable at mapokus ang atensiyon sa kahinaan habang nag-iisip ng detalye. Gawin ito para mailabas ang nararamdaman, kaysa sa pinipigilan ang galit sa iyong dibdib.
Kapatawaran – Hindi madali ang humingi ng tawad. Ang simpleng paglapit sa taong nasaktan ay tanda na inaako ang pagkakamali at nagsisisi sa maling nagawa. Akuin ang buong responsibilidad, aminin ito, at humingi ng kapatawaran sa kaibigan o mahal sa buhay na nagawan ng pagkakamali.
Self-forgiveness - Madalas nahihirapan tayo na patawarin ang sarili, kahit napatawad ka na ng iba. Dapat matutunan ang self-forgiveness kahit hindi ito agarang proseso. Huminga ng malalim na pa-in hale at exhale tuwing bumabalik ang negatibong isyu sa isipan. Burahin ang negatibong bagay na nagpapaalala ng pagkakamali. Bigyan din ng act of kindness ang sarili na paraan para maka-let go na sa nangyari. Move on at tuloy ang buhay. Isang araw ‘di namamalayan ay tinatawanan mo na lang ang mga nangyari.
Positive – Masaklap man ang nangyari magpasalamat pa rin dahil maraming natutunan sa pagkakamali. Magiging daan ang karanasan para maging wiser, stronger, at next time alam na agad ang posibleng kahihinatnan.
- Latest