Panaginip: Normal ang aking pandinig in real life pero sa ilang panaginip ko, mga three or four dreams ay bingi ako. Sa panaginip, hindi ko marinig ang sinasabi ng propesor na nagle-lecture sa klase. Ang eksena palagi ng aking panaginip ay walang sound, parang silent movie. Estudyante po ako at 18 years old. --‘Sharkey’
Interpretation: Ang pagkabingi sa panaginip ay simbolo ng mga sumusunod: 1) pag-iisa na parang you are being left out; 2) walang pumapansin sa iyo o parang hindi ka ibinibilang sa grupo; 3) may ipiniprisinta sa iyong ideya ang ibang tao pero dahil kontra ito sa sarili mong ideya at opinyon, hindi mo binibigyan ng halaga ang sinasabi nila.