^

Para Malibang

Gumiling-giling para makagawa ng homemade butter at whipped cream

Pang-masa

Kailangan mo ng whipped cream sa iyong niluluto at wala kayong mixer sa bahay?

Puwes madali lang ‘yan. Alam n’yo ba na puwede ka-yong mag-whip ng cream gamit lang ang mason jars? Oo, ‘yung mga nauusong jars ngayon na minsan ay ginagawang baso sa mga restaurant.

Maglagay lang ng heavy cream sa mason jar at alug-alugin hanggang maging thick ang consistency nito. Madali lang maging whipped cream ang heavy cream at maeehersisyo pa ninyo ang inyong mga braso. Huwag lang kalimutang magsuot ng sports bra mga ineng ha, at baka mangalay ang mga hinaharap n’yo. Ha ha ha.

Puwede rin ito sa paggawa ng homemade butter. Alug-alugin pa nang mas matagal ang heavy cream sa mason jar at hintaying mamuo ito. Ihiwalay ang milk residue o ang liquid na natira at hugasan sa malamig na tubig hanggang maalis ang natitirang latak ng gatas sa namuong butter. Presto, maaari n’yo nang lagyan ito ng asin o kaya herbs para sa mas malasang butter.

Mga isang linggo ang buhay ng homemade butter na siguradong magugustuhan ng inyong pamilya. Kaya ano pa ang hinihintay n’yo subukan n’yo na ang paggawa ng homemade whipped cream at butter. Burp!

ACIRC

ALAM

ALUG

ANG

CREAM

HUWAG

IHIWALAY

KAILANGAN

KAYA

MADALI

MAGLAGAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with