Kakaiba talaga ang hiwagang taglay ng kalikasan, maaari nitong ipakita anuman ang gustuhin nito sa pamamagitan ng hindi maipaliwanag na tanawin.
Ang litratong inyong nakikita ay kuha sa isla ng Heimaey na ibig sabihin din ay Home Island, na matatagpuan sa Iceland, Europe.
Matatagpuan ito sa Vestmannaeyjar Archipelago town kunsaan may 4,500 mahigit na residente ang nakatira.
Sa kabila ng maliit na bilang ng populasyon, ang isla na ito ay isa sa pinakasikat na lugar sa nasabing lokasyon.
Kung inyong mapapansin, animo’y isang higanteng elepante ang uhaw na uhaw na umiinom sa gitna ng karagatan.
Pero, paano kaya naporma ang batong ito na may taas na 600ft.? Nangyari raw ito dahil sa pagsabog ng bulkan at sa tulong ng tubig alat galing sa dagat, ay madali itong tumigas at sa hindi inaasahan, isang higanteng bato na hugis elepante ang kinalabasan.
Si inang kalikasan talaga ang pinakamagaling na iskulptor sa buong mundo.