Saan ka ba masaya?

Nakikita rin sa itinayong business ang reflection ng pagkatao. Maging ito ay sa katatagan ng negos­yo, financial gain, personal satisfaction, at higit sa lahat mamalas din kung ikaw ay masaya sa ginagawa mo.

Kung hindi nga naman talaga nasisiyahan sa ginagawa, sa bandang huli ay hindi rin nagtatagal sa negosyo.

Kaya kalimitan ang itinatayong negosyo ay kung ano ang hilig at linya ng isang tao. Maaaring ang hilig ay sa pagkain kaya restaurant, kainan, at karinderya ang pinapasok na negosyo.

Marami sa mga babae na mahilig sa pagbu­butingting kaya pang kikay na items para  sa mga babae ang laman ng store na itinatayong negosyo.  

Kung saan masaya ay mas nagtatagal ang ginagawa kahit mahirap, sa bandang huli ay ito rin ang nagtatagumpay o pumapatok na negosyo. Dahil ibinubuhos ang lahat ng oras at kasiyahan sa ginagawa mo.

Show comments