Bakit ba ang maraming kabataan ngayon ay tila mas malapit pa sa kaibigan kaysa sa magulang? Gusto nila laging magkakasama. Pakiramdam tuloy nila Nanay at Tatay ay ayaw sa kanila ng anak o kaya ay di na sila “in” sa panahon ngayon dahil tumatanda na.
Eto ang sagot mula sa nguso ni Thea, 15 taong gulang:
Ganyan nga po ako. Pero hindi ibig sabihin na hindi ko na sila mahal o ayaw ko na sa kanila. Siguro po mas malapit ang kabataan sa kapwa kabataan dahil magkasing-level. Mas nagkakaintindihan at mas nakaka “sakay” sila sa isa’t-isa. Siyempre sasabihin ng mga magulang, “Dumaan din ako diyan,” na ibig sabihin ay nauunawaan nila ang pinanggagalingan namin. Nasasaktan sila kapag sinabi na ng anak na “Hindi nyo naman ako naiintindihan, Mama/Papa.” Sa totoo lang “gets” naman at talagang ginagawa yung best para makuha nila yung mensahe ng anak. Ang mahirap kasing tanggapin ay yung payo na nagpapakitang mas “mature” sila at madalas mali kami ng pananaw. Bakit kasi mahirap aminin ang pagiging mali. Ayaw pa namin minsan ay yung paraan na pa-sermon. Pero dapat makinig at sumunod sa mga magulang. Yung iba nga pinababayaan lang ang mga anak.
Pero bakit wish ng mga magulang na sa kanila lagi nakasama? Tingin ko dahil anak nila sa kanila dapat lumalapit. Nakakapagselos pag sa iba hihingi ng payo eh sila ang higit na nakakikilala at meron best intention para sa amin.
Kaya wish namin sana lahat ay may weekly Family Day para laging nakakapag-bonding ang bawat isa sa pamilya. Para hindi nagkukulang nang pagmamahal ang bawat isa. Mas malaki rin ang posibilidad na ayos lang kahit madalas naming kasama ang mga kaibigan, basta alam nila na mas mahal naman talaga namin sila. Thea, 15, HolywordAcademy.