Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Upaw, 47 years old, isang karpintero at 10 taon nang biyudo. Kahit hindi pa ako masyadong matanda, sa tingin ng iba ay matandang-matanda na ako. Medyo nakakalbo na rin ako at yung natitirang buhok ko ay puting-puti na. Paiba-iba ako ng destino. Iba-ibang babae na rin ang nakikilala ko. Hindi maiiwasang tumibok ang puso ko. Kaso, ang tawag sa akin ng mga babaeng ito ay lolo. Gusto ko sanang dumiskarte pero hindi ko magawa dahil baka pagtawanan ako dahil “nagmumurang kamatis” daw ako. Ano kaya ang gagawin ko para mabura ang impresyon sa akin na isang lolo?
Dear Upaw,
Ang umiiral sa’yo ay inferiority complex. Napakara-ming mas matanda pa sa iyo pero nakakabingwit ng bata at maganda. Subukan mo munang dumiskarte bago mo husgahan ang iyong sarili. Pare-pareho na lang tayong salat sa ganda. Pero ang ganda ng kalooban ay hindi kumukupas.. Yan ang ‘wag mawawala sa’yo.
Sumasaiyo,
Vanezza