Christmas Holiday Rush

Twenty four days na lang at Christmas na. Huwag hintayin na abutin pa ng Christmas rush para mamimili ng pangreregalo. Magmasid-masid na sa paligid ng items na magugustuhan ng pamilya o kaibigan. Madalas kung kailan hindi naghahanap ay saka makakikita ng perfect gift para kay Tatay o sa bestfriend mo.

Ngayong December 1 na, ilista na ang name ng taong reregaluhan pati na rin ang idea na gustong ibigay. Makatutulong ang kopya ng pangalan na manage  para sa holiday budget.  Huwag kalimutan pati ang pagbibigay ng tips sa doorman, guard, babysitter, taga-abot, taga-bitbit ng sulat at  gamit mo.

Siguraduhing nakatago ng maayos ang mga advance gifts na madalas ay inilalagay sa ilalim ng Christmas Tree na pang dagdag dekorasyon sa sala. Kailangan din nakalagay na rin ang mga name para hindi malito kung kanino ibibigay ang regalo. Cross out na sa listahan ang taong nabilhan na ng gifts para maging maayos ang listahan at isipin naman ang iba pang bibilhan na regalo.

Show comments