1-Nagtatanggal ng balakubak. Lagyan ang anit ng apple cider vinegar at imasahe ito. Maghintay ng 5 minutes saka banlawan ng maligamgam na tubig ang buhok. Ang acetic acid sa vinegar ang papatay sa fungus at magbabalik ng ph balance sa anit.
2-Nagpoprotekta sa blonde hair—natural o kinulayan. Kapag nag-swimming sa chlorinated pool, nagkukulay berde ang blonde hair. Para maiwasan ang pangyayaring ito: Bago mag-swimming, pahiran ng apple cider vinegar ang buhok. Maghintay ng 15 minutes. Saka mag-swimming.
3-Kung na-damage ang buhok dahil sa chemicals na ginamit sa hair treatment, magtimpla ng natural hair conditioner:
1 kutsarita ng apple cider vinegar
2 kutsara ng olive oil
3 itlog.
Haluing mabuti. Imasahe sa anit at buhok. Takpan ang buhok ng shower cap sa loob ng 30 minuto. Banlawan. Mag-shampo. Banlawan ulit.-Itutuloy