Ang bagong hamon na viral sa social media ngayon ay tinatawag na Condom Challenge. Bale ba lalagyan ng tubig ang isang pirasong condom at ilalaglag ng kasama sa uluhan ng ka-partner habang ito ay nakaupo. Sa loob ng segundo ay magba-bubble na ang condom sa mukha ng indibidwal bago tuluyang mag-pop out.
Hindi lang ito basta trip ng magdyowa o magbabarkada, kundi ayon sa Condom Challenge Twitter Page, na ang motibo ng hamon ay para magkaroon ng awareness sa safe sex sa paggamit ng condom.
Isang linggo pa lang nagsimula ang challenge na ginawa ng dalawang tao hanggang sa kinopya na ito ng iba, pero umaani na rin ito ng iba’t ibang comments.
May nagsasabing hindi direktang naituturo sa challenge ang mensahe ng benepisyo ng paggamit ng condom sa pakikipagtalik.
Meron ding comment na dapat ay limitahan ang pagsali sa challenge ng mga kabataang babae na minor de edad, dahil masyado pa raw bata para sa konsepto ng safe sex.
Ang ibang magkakaibigan ay ginagawang katuwaan lang talaga ang challenge.