Dapat bang bigyan ng second chance ang taong mahal mo?

*Second chance? Bakit pa? Puwede namang friends na lang. Huwag na. Pagtapos na. Tapos na.

Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo uli. Kaya tigilan n’yo na yang second chance, second chance.  – Debz, Manila

*Basta ba pro­mise wala na rin second chance na magloloko. Wala na rin chance na mananakit. – Zenzie, Zambonga

*Paano mo bibigyan ng second chance ang lala­king mambubugbog at minumura ka sa harap ng anak mo at ibang tao? Hindi ka tinatrato kahit bilang tao? Wala na ang black and blue na pasa sa mukha at katawan ko. Pero at least naibalik na ang respeto sa pagkatao ko. Hindi naman ibig sabihin bitter na kung hindi mo siya bibigyan ng second chance. Move on na lang. Tuloy ang buhay!!! Happy pa ko sa bagong love life. Bongga ‘di ba?  – Edna, Rizal

Show comments