Ang tubig ng buko ay ating iniinom pero itinatapon lang natin ang tubig ng niyog. Next time, kapag nagbiyak kayo ng niyog para panggata, huwag ninyong itatapon ang tubig nito dahil marami itong gamit sa pagpapaganda.
1-Sa halip na tubig, ang ipanghilamos sa mukha ay tubig ng niyog. Dapat ay fresh from the shell at ingatang huwag madumihan. Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng blackheads, tagihawat at blemishes.
2-Para matanggal ang panunuyo at maging mamula-mula ang balat, dampian ng tubig-niyog araw-araw ang mukha matapos itong linisin. Sabayan ito ng pag-inom ng buko juice. Mainam din itong panlunas sa oily skin at pantanggal ng hapdi sa sunburn.
3-Imasahe ang tubig-niyog sa anit upang tumigil ang panlulugon ng buhok. Nagpapaganda ito ng blood circulation sa anit kaya magiging matibay na ang kapit ng ugat ng buhok.
4-May powerful hydrating properties ang tubig-niyog kaya nagsisilbing natural conditioner. Kapag iminasahe araw-araw sa anit, ang buhok ay kikintab, lalambot at matatanggal ang pagiging buhaghag. Mayroon din itong anti-fungal at anti-bacterial properties kaya pipigilan nito ang pagkakaroon ng balakubak at pangangati ng anit.