Ang mga dapat at ‘di dapat sa pag-akyat (2)
Para sa pagpapa-tuloy ng aking kolum tungkol sa LNT (Leave No Trace) seven Principles…
Iwan kung ano man ang iyong nakita o nahanap. Ang bundok na ating inaakyat o maging anumang lugar ang atin pinupuntahan, laging tatandaan: Bisita lang tayo. Maraming tao ang nag-uuwi ng mga bagay na kanilang nakikita sa bundok dahil sa mga kakaibang anyo at ganda ng mga ito, pwedeng bato, bulaklak, dahon, buto at kung anu-ano pa.
Pero mali ‘yun, pwede kasing makaapekto sa history ang mga bagay (artifacts) na iyong ginagalaw at kinukuha sa bundok.
Huwag ding magdadala ng mga bagay na hindi likas na matatagpuan sa nasabing lugar. Makakaapekto ito sa mga halaman at hayop na naninirahan na talaga sa lugar, magbabago kasi ang food cycle na sinasabi at pwede ring ikamatay ito ng mga puno at halaman doon.
H’wag ding gagawa ng kakaibang istraktura gamit ang mga kahoy at bato lalung-lalo na kung walang sapat na kaalaman sa pagbabasa ng trail signs dahil maa-ring ikalito ito ng mga moutaineers o explorers na marunong sa pagbabasa ng mga trail sign.
(Itutuloy)
- Latest