Gold na alahas inireregalo sa 15-anyos na dalagita sa Chile

Kaarawan at Pasko ang karaniwang mga araw ng bigayan ng regalo sa bansang Chile. Ito ang mga araw na kanilang kinukunsederang mahaha­lagang okasyon na dapat ay may regalo.

Kung naimbita­han sa isang bahay ng Chilean, ang pinakamagandang regalo na maibibigay ay tsokolate o kahit ano’ng matamis. Maaari rin magbigay ng alak sa nangumbida.

Mainam naman na magpa-deliver ng bulaklak bago pumunta sa kanilang bahay. Isa itong simbulo ng pasasalamat at respeto. Huwag na huawag lang magpapadala ng bulaklak na kulay itim o purple. Ginagamit ang mga bulaklak na ito para sa mga patay.

Hindi rin maganda kung magbibigay ng gunting o kutsilyo dahil nagsisimbulo ito ng pagwawakas ng pagkakaibigan o keneksyon sa kanila. Kaya ingat kahit ang iyong kaibigan ay mahilig magluto.

Karaniwan namang inireregalo sa mga dalagitang kinse-anyos ay gold na alahas.

Show comments