Iwasang gawin ang mga sumusunod dahil ayon sa paniwala ng matatanda, ito raw ay nagpapaikli ng buhay. Ito ay koleksiyon ng mga pamahiin mula sa iba’t ibang panig ng mundo:
21—Nag-aabutan ng kutsilyo sa hapag kainan habang kumakain.
22—Natutulog sa bed nang pabaliktad: Nakaturo ang paa sa head board.
23—Kumakanta habang nakahiga.
24—Nagbibilang ng stars sa kalangitan.
25—Nagsusuklay sa gabi.
26—Ginugupit ang kuko at buhok ng sanggol na wala pang isang taong gulang. Dapat hintayin siyang maging isang taon.
27—Nag-aahit sa gabi.
28—Naglilibing sa araw ng Biyernes. Ang apektado ay ang immediate family members ng namatay.
29—Kapag naglaro ang mga bata ng burol-burulan at libing-libingan.
30—Upang walang masamang mangyari, kapag ilalabas ang kabaong sa bahay, ang unang ilalabas ay paa. (Itutuloy)