Apostrope ay ang pagbabago ng tinig sa gitna ng pangkaraniwang salaysay. Ang mga bagay na walang buhay ay binibigyan ng buhay at kinakusap. Halimbawa: Langit! Pakinggan ang aming hinaing.
Ironiya ay pagpapahayag ng pag-uyam, pangungutya, o panunuya sa pamamagitan ng mga salita sa ang kahulugan ay waring pumupuri sa tinutukoy pero mahahalata sa tono at paraan ng pananalita ang panunuya. Halimbawa: Ang galing mong bantay, kaya lahat sila ay nakatakas.