Balanseng buhay

Hindi maiiwasan ang mabagot, kinakailangan ng balanseng trabaho at buhay. Madalas kasi nakapokus lang sa mula 9 a.m to 5 p.m. sa trabaho. Wala namang problema dahil maraming bayarin at gastusin sa bawat pag-aabang natin ng payday.

Huwag din kalimutan ang konting leisure ay makatutulong para makaiwas sa burnout.  Magkaroon ng oras sa meditation, puwedeng pakikipaglaro ng baskeball, paggi-gym, pag-attend sa cooking class, at higit sa lahat sa pakiki-bonding sa iyong asawa, anak, o kaibigan ay babalanse sa hectic mong buhay. Kaya marami na ang wise lalo na ang indibiduwal na malayo pa lang ay  ini-schedule na ang kanilang bakasyon bago dumating ang holiday seasons o kahit ang susunod na summer time na pupuntahan nilang lugar ng pamilya.

Show comments