Bawal ang dugyot sa Belgium!
Kung hindi ka mahilig maglinis ng katawan at mag-ayos ng kagamitan, hindi ka babagay sa bansang Belgium! Partikular kasi ang Belgians sa hitsura at kalinisan. Isa ito sa ipinagmamalaki ng kanilang bansa. Malinis sila sa kapaligiran, ultimo lumot sa kalsada ay kanilang pinandidirihan.
Karaniwang nakikita ang Belgians na naglilinis at naghuhugas ng kanilang tapat ng bahay at nagwawalis ng mga kalsada. Dahil nga pride ng kanilang bansa ang pagiging malinis. Hindi ba’t may kasabihan ngang “Cleanliness is Next to Godliness?”
Ipinagmamalaki rin ng mga taga-Belgium ang kanilang tahanan kahit gaano man ito kaliit o kalaki. Sinisiguro nilang presentable ang kanilang bakuran at garden. Kung may mga maduming hardin o kaya’y naghahabaan nang mga halaman, siguradong kagagalitan ka ng iyong mga kapitbahay. Hindi lang ‘yan, kamumuhian ka rin ng iyong pamilya. Ganun sila kapartikular sa kalinisan.
Kahit sa pananamit at personal na hitsura ay hindi ka dapat dudungis-dungis sa Belgium. Sinisiguro nilang maganda ang kanilang kasuotan at hitsura at walang mapupuna sa kanilang pananamit.
- Latest