73-Ang purong asin ay walang katapusan ang shelf life. Ang may kahalong iodine or iodized salt ay may shelf life na isang taon. Para hindi magtubig, at manatiling dry, haluan ng isang kutsaritang bigas ang asin na nasa salt shaker.
74-Upang maremedyuhan ang maalat na sauce, dagdagan ito ng alinman sa mga sumusunod: all purpose cream, brown sugar, vinegar. Depende sa nature ng sauce ang idadagdag mo.
75-Sumasarap ang ginatang halu-halo kung dadagdagan ng asin. Mas sumasarap ang “tamis” kung may kaunting alat na nalalasahan.
76-Kapag maglalagay ng asin sa tubig na pagpapakuluan ng noodles, hayaan munang kumulo ang tubig bago lagyan ng asin. Tumatagal ang pagkulo ng tubig kapag nilagyan kaagad ng asin.
77-Nagiging firm ang texture ng noodles kapag inilaga ito nang may asin.
78-Tinitikman natin ang pagkain habang niluluto. Matabang ang lasa ng pagkain kapag napakainit. Kaya hipan muna ng ilang segundo ang pagkain bago tikman.
79-Hinay-hinay sa paglalagay ng asin sa mga shellfish. Ang mga ito ay may natural nang alat. Tumitigas ang laman kapag napahalo ito sa asin.