Wireless Charging

Ang bilis talaga ng transformation ng techno­logy sa mobile world,  parang kelan lang ay mabenta ang paggamit ng microUSB para mag-charge. Ngayong puwede ka nang mag-charge ng cell phone ng walang cord.

Ang wireless charging ay pinapaandar ng electromagnetic induction. Meron itong wire na nakakabit sa base station ng charging plate na ­siyang nagpapagana ng magnetic field para du­maloy ang current.

Hindi ba malaking magic at ginhawa dahil hindi na kailangan hintaying makargahan ang CP sa pagpa-plug sa cable ng desk. Kahit saan puwede mo nang bitbitin ang wireless cord charging. Hindi mo na proproblemahin sakaling ma-low bat ang CP, dahil dala mo rin ang maliit na cord para mag-charge.

Show comments