Maruming bathtub, tatlong sangkap lang ang katapat
Sa paglipas ng panahon ay naluluma at dumurumi ang ating mga kasangkapan. Maging ang bathtub sa banyo ay nagmamantsa habang tumatagal. Dahil ito sa namumuong sabon o kaya’y mula sa kalawang sa tubig.
Hindi kaaya-ayang tingnan ang maruming bathtub. Sino ba naman ang mai-excite maligo sa bathtub na marumi at mantsa-mantsang bathtub?
Pero ang inaakalan niyong mahirap tanggalin na mantsa ay napakadali lang pala.
Tatlong sangkap lang ang kakailanganin na makikita sa kusina ang solusyon sa problema para maaari na uling ipagmalaki ang inyong mga bathtub sa banyo.
Paghaluin lamang ang parehong sukat ng cream of tartar at baking soda at pigaan ng saktong dami ng lemon juice hanggang maging paste ito. Ikuskos ang paste na ginawa sa mga dumi sa bathtub gamit ang daliri o kaya ay malambot na tela. Iwan ito ng kalahating oras. Banlawan matapos ang kalahating oras. At presto, makintab at parang bago na ulit ang inyong bathtub.
Sino ang mag-aakala na ang mga sangkap sa pagluluto at pagbi-bake ay maaaring gamitin sa paglinis at pagpapakitab ng bathtub?
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest