Pawising Kamay at Paa: Paano Lulunasan?
Subukan ang alinman sa mga sumusunod na remedyo:
BAKING SODA: Tunawin ang 2 cups baking soda sa kalahating timbang tubig. Hatiin sa dalawa ang mixture—isa para pagbabaran ng kamay at isa naman ay sa paa. Ibabad ng 30 minuto ang kamay at paa. Gawin araw-araw.
KAMATIS: Hiwain ang dalawang kamatis. Ipahid ang bawat hiwa sa kamay at paa. Hayaang nakababad sa kamay/paa ang tomato juice ng 30 minutes. Gawin araw-araw.
TSAA: Puwede ang kahit anong klaseng tsaa. Magpakulo ng 2 tasang tubig at ilagay ang 5 tea bags. Palamigin, hatiin sa dalawa. Ibabad sa tsaa ang kamay at paa sa loob ng 30 minutes. Gawin araw-araw.
KUMAIN NG IODINE RICH FOODS: Baked potato, strawberries, itlog, tuna, yogurt, seaweeds, gatas, hipon, saging, prunes, etc. Nagiging pawisin ang kamay at paa dahil sa thyroid disorder, at nangyayari ito dahil sa kakulangan ng iodine sa katawan.
UMINOM NG MARAMING TUBIG. Pababain ang temperature ng katawan para ‘di pawisin. At mangyayari lang ito kung iinom ng at least 3 liters ng tubig araw-araw.
IWASAN: Oily foods, coffee, alak, at ma-stress.
PAGSIKAPANG GAWIN: Sumali sa sports at laging mag-exercise upang mabawasan ang stress.
- Latest