Iwas hassle dulot ng stress
Ang stress ay bahagi na ng ating buhay. Madali itong malalampasan kapag hinaharap agad. Maraming bagay para mabawasan at iwas hassle sa stress:
Plano – Alamin muna ang pinanggagalingan ng stress puwede mula sa iyong boss, pamilya, at labahan. Mag-isip agad at organize ang plano malayo pa lang para hindi natataranta.
Kontrol – Huwag ubusin ang oras at lakas mo sa bagay na hindi mo kayang makontrol tulad ng boss mo. Sa halip, magpokus sa sitwasyong kaya mong i-handle tulad ng deadline. Malayo pa lang ay may time kang tapusin ang project nang paunti-unti.
Mag-enjoy – Kailangan mo rin ibahin paminsan-minsa ang ginagawa mo. Para mabaling sa ibang bagay ang iniisip mo. Gawin ang pinakagustong mong gawin na nagpapasaya sa iyo.
Time - Ang kawalan ng oras ay nagbibigay ng stress sa tao. Mas magandang maglista ng dapat mong gawin para mapalawak ang time frame sa bawat gagawin.
Technique – Mag-isip kung paano mo bibigyan ng lunas ang stress kaysa mainis. Kapag na-stuck sa traffic libangin ang sarili para hindi mainip sa biyahe.
- Latest