Isang taon ang maternity leave with pay sa Norway

Bukod sa pagiging mapagkumbaba at hindi mayabang ng mga Norwegian dahil ito ang itinuturo sa kanila, mataas ang tingin sa mga kababaihan sa bansang Norway.

Nakatatanggap sila ng pantay na trato at res- peto ‘di tulad sa ibang bansa na ang tingin sa mga kababaihan ay parang kasangkapan lamang. Malaya rin ang mga kababaihan sa Norway na makapagtrabaho at maging produktibo sa lahat ng pagkakataon.

Maging sa trabaho at opisina ay nakatatanggap ng pantay na respeto ang mga Norwegian. Pati sahod ay kapantay din ng natatanggap ng mga kalalakihan sa bansang ito. Maaari rin silang maging boss o kahit pa presidente ng isang kumpanya.

Ang maganda pa sa pagtrato sa mga kababaihan sa Norway, maaari silang mag-avail ng isang taong maternity leave with 80% pay o kaya naman ay 10 months leave with 100% pay.

Kung ang babae naman ay nagdesisyong mag-alaga ng pre-school na anak sa bahay, makatatanggap pa rin sila ng buwanang sahod mula sa gobyerno.

 

Show comments