100 Greatest Cooking Tips (7)

Para hindi magkahiwalay ang burger patty habang niluluto:

33—Pinuhin ang hiwa ng sibuyas o tadtarin. Ang malalaking hiwa ng sibuyas ay ‘nagpapaluwag’ sa kapit ng karne kaya naghihiwalay.

34—Gumamit ng 800 grams na purong laman ng baka at 200 grams backfat. Ang taba ay nakakatulong para magdikit-dikit ang burger patty. Katanggap-tanggap din ang ratio na 700 grams na laman at 300 na backfat. Huwag gagamit ng taba sa tiyan dahil natutunaw agad ito kapag niluto at walang maitutulong sa pagdikit-dikit ng karne.

35—Iwasang gumamit ng liquid ingredients. Kapag ‘watery’ ang patty, naghihiwalay ito habang niluluto. Hangga’t maaari, ‘dry’ na spices at condiments ang gamitin.

36—Kung gagamit ng itlog bilang ingredients, isang piraso per kilo ay sapat na.

37—Mabubuhay lalo ang lasa ng beef patty kung hahaluan ito ng kalahating kutsaritang garlic powder per kilo. Sa halip na toyo ang ihalo, mainam ay oyster sauce o Worcestershire sauce

38—Mas mainam kung pipili ka muna ng part ng beef na buo, then, saka mo ipagiling. Sa palengke may ganitong sistema para matantiya kung ilan ang percentage ng laman at taba.  (Itutuloy)

 

Show comments