Mahalagang ang mga bahagi ng aklat tulad ng Talaan ng Nilalaman, dito nakasulat ang mga paksa na mababasa sa libro ng aklat; Pahina, nakasaad ang bilang sa itaas o ibaba ng bawat dahon o pilas ng aklat; Panimula, ito ay maikling paliwanag sa unahan ng aklat. Isinulat ito ng may-akda upang ipahayag sa mambabasa ang mga maaaring asahan sa aklat. Glosaryo, talaan ng mahahalagang salita na maaaring matagpuan sa aklat na may katapat na kahulugan. Nakaayos nang paalfabeto ang mga salita sa seksyon ng aklat. Bibliograpiya, nakatala ang ibang babasahin na nakatulong sa impormasyon ng aklat. Indeks na talaan ng mga salitang mahalaga sa mga paksang tinatalakay sa aklat.