Angat ka ba sa iba?

Napakaimposible kung lahat ng customer na ang business o serbisyo mo lang ang dapat nilang  tangkilikin. Kaya kaila­ngan  i-market o ibenta ang produkto na walang katulad.

Hindi naman kaila­ngan na lahat ng tao ay maniwala sa iyo agad. Sapat nang magsimula sa  maliit munang grupo ang magtiwala sa  maibibigay ng business o produkto mo ang lahat ng kanilang kailangan. At para makuha  ang tiwala ng iyong klien­te at prospect kailangan ng unique na strategy, may value, espesyal na bagay na kakaiba mula sa ibang produkto. Parang ikaw lang talaga ang nasa market na ha­hanapin ng buyer.

May apat na hakbang na kakailanganin para maibenta  ang produkto o ang iyong sarili ng unique sa paningin ng customer:

Research – Alamin mo kung sino sila, ano ang binibili nila, ano ang hilig, o kiliti ng buyer.

Katungkulan – Base sa research, ano ang posisyon ng serbisyo o produkto mo sa pansala nila? Pasado ba sa kanila? Sapat na bang tangkilikin ng customer na no. 1 o kailangan i-level up para matugunan pa ang hinahanap para sa kanilang pangangailangan.

Campaign- Sa tulong ng social media madali na ngayong i-share ang business  na kailangan lang ipresenta ng unique na style at kaaya-aya sa paningin ng buyers. Kasama na rin sa campaign kung saan  ang location, kung madali bang puntahan, o accessible ang business, at pati na rin ang detalye ng oras na available ang tindahan na makakabili ang customer.

Kontrol - Dapat mapanatili  ang magandang posisyon sa market. Isipin ang long term na success at alamin ang pasikut-sikot na takbo ng business at siguraduhing ikaw lang ang may unique na offer  at tiya­king  walang  katulad at angat sa iba ang inaalok mo.

Show comments