TALAGANG handa nang magpaka-unprofessional ni Doktor Larry. Iiwan na lang ang obligasyon bilang doctor.
Ni hindi pa nangangalahati ang pagreretoke niya sa mukha ni Reyna Coreana. Wala pang laman ang kalahati ng bungo nito. At tabingi pa ang mga mata at bibig.
Parang maskara na nakakatawa at nakakatakot ang mukha ng reyna. Ang kanya namang katawan ay nangunguluntoy pa na parang balat ng pasas.
Dahil nga rin hindi pa naplantsa nang husto ang implanted na fake na laman at balat.
Ibinaba na ng doctor ang lahat niyang instrumento sa make-shift na mesa. Tinanggal na ang doctor’s gloves sa mga kamay. Saka tinungo ang pinto ng kuta ng reyna.
Nang bigla na lang parang may tumamang kidlat kay Doktor Larry. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa kanyang katawan. Para siyang binibiyak at binabalatan. Gising na pala si Reyna Coreana at alam na tatakasan na lang siya ng manggagamot.
“Akala ko pa naman matino kang kausap! Mabuti na lang may powers ako! Nahuhulaan ko ang gagawin mo at ayan ... iyan ang parusa ko sa iyo! Manalamin ka! Tingnan mo kung ano ang itsura mooo!”
Kinabahan nang husto ang doctor. Takot siyang tumapat sa salamin. Ayaw makita kung ano ang itsura niya.
NAKAPANHIK at nakapasok sa bundok sina Miley. Nakabalik sila sa kampo ng mga tao.
NAKAPANHIK at nakapasok sa bundok sina Miley. Nakabalik sila sa kampo ng mga tao.
“Kailangang magsipaghanda pa rin tayo. Tiyak na hahanapin nila ang kampo natin at susugod sila. Kapag wala na ang tindi ng araw, malalakas na sila. At masyadong mapanganib.” Ang sabi ni Lorenz sa mga kasama.
“Miley, ano ba talaga ‘yung mga halaman na sabi ninyo ay makakatalo sa kanila? Bakit hindi naman umepekto?” Tanong ni Blizzard sa nobya.
Napailing si Miley. “Aywan ko ba ... hindi ko nga maintindihan, e. Akala ko iyon na ang magliligtas sa atin. Pero bigong-bigo ako ...” At biglang parang batang umiyak si Miley.-ITUTULOY