100 Greatest Cooking Tips (6)

27-Kung magluluto ng pancake or hotcake, ilagay ang batter sa ketchup squeeze dispenser. Tingnan ang kasamang larawan.

28-Kung kailangang magpakulo ng gatas sa isang recipe, haluan ng isang kurot na baking soda ito upang hindi magbuo-buo.

29-Maghalo ng isang kutsaritang lemon or calamansi sa tubig ng isasaing na bigas para ma­ging “fluffy” ang kanin. ‘Yung malambot pero hindi malabsa or makitkit.

30-Anong gagawin sa tira-tirahang hamon: hiwain nang manipis. Ihanay sa baking tray. Buhusan ng maple syrup or pineapple syrup. Hayaang nakababad sa magdamag. Kinaumagahan, iprito sa butter.

31-Paano gumawa ng pineapple syrup para sa hamon: Paghaluin ang 1 cup pineapple juice + three-fourth tasang brown sugar at 2 kutsara beer. Pakuluan.

32-Kung minsan, natitira sa bote ang juice ng sweet pickles. Huwag ito itapon. Idagdag sa pagluluto ng caldereta, apritada o sa marinade ng barbecue. -(Itutuloy)

Show comments