Mt. Daguldol

Isa sa mga pinakamagandang puntahan na tanawin sa San Juan, Batangas ay ang Mt. Daguldol. Hindi nga lang ito singdali puntahan ng ilang bundok sa South, pero worth the wait naman ang pagta-travel patungo rito.

Medyo malayo nga sa Maynila ito pero pinilipi pa rin ito ng ilang hikers puntahan dahil nga sa adventure at view ng nasabing bundok.

Mabato ito kaya marami-rami ang naka-experience matapilok dito at sobrang foggy at lamig naman ‘pagdating ng dilim.

Maraming baka at kabayo ang nasa madamong summit, marami ring kabute na bigla-bigla na lamang sumusulpot.

May puting buhangin ang naghihintay sa mga climber na umaakyat dito dahil may bonus na magandang dagat ang bundok sa ibaba nito.

Pwede na lang umarkila ang mga backpacker ng simple at magandang cottage para mas ramdam ang payak pero malapit sa ganda ng tanawin na lugar.

Sana lang ay masaksihan pa ito ng mga susunod na henerasyon.. Laging tatandaan ang “pack in, pack out” na rule.

 

Show comments