- Mas pipiliin ko ang pamilya. Ang pamilya kasi, nandyan lang ‘yan kahit na ano’ng mangyari. Makatuluyan mo man o makahiwalayan ang dyowa mo, ‘di ka iiwan ng pamilya mo. - Deo, Ilocos Sur
- Dyowa lang naman meron ako eh. Parang wala naman akong pamilya. Nasa ibang bansa ang nanay ko para magtrabaho. Ang tatay naman ay laging nasa sugalan. Hindi ko naman makasundo ang mga kapatid ko dahil may kanya-kanya silang bisyo. Kaya kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang dyowa ko. - Luis, Manila
- Depende sa sitwasyon. Hindi mo naman kasi malalaman kung puwede mo nang ipagpalit ang pamilya mo sa dyowa mo ngayon. Kung sa tingin mo siguro na siya na ang babaeng pakakasalan mo. Puwede namang mas piliin mo ang babaeng ‘yun para makasama. Pero hindi naman ibig sabihin ay iiwan mo na ang pamilya mo. Gumawa ka lang ng sarili mong pamilya. - Macmac, Mindoro
- Dyowa na lang siguro, kasi alam ko namang ako rin ang pipiliin niya kesa sa pamilya niya. - Anthony, Abra
- Hindi ka puwedeng mamili sa pamilya at dyowa. Parehong kailangan mo sila sa buhay mo. Para sa akin parehong mahalang ang love life at pamilya. - Carl, Zamboanga