Juice – Kahit ano pang pagkukumbinsi ng mga TV commercial ng fruit juice o cola, naglalaman pa rin ito ng mga maraming asukal. Pero kung sariwang prutas na lang ang kakainin walang dudang liliit ang waist line mo. Tulad ng saging, mansanas, suha, mangga, o pinya.
Gulay – Punuin ng kalahating gulay ang laman ng iyong pinggan lalo na ang tanghalian o hapunan. Maraming pagpipiliang mabeberde at madidilaw na gulay tulad ng brocoli, beans, patatas, mais, karot, kalabasa, malunggay, petsay, o sayote.
Supplement – Kumonsulta sa iyong doctor ng supplement na makatutulong na meron nang lahat ng fiber mula sa prutas o gulay na hinahanap mo.
Natural – Ang mga processed food ay hindi healthy. Hindi dahil wala ka nang time magluto hindi pa rin solusyon ang ganitong pagkain. Mas malaki kasi ang sugar at salt content ng mga pagkain dumaan sa proseso ng preservatives kaya mas lalo ka ring tataba.
Cool- Huwag ka rin basta padadala sa pagki-crave mo sa pagkain dahil lamang sa ikaw ay stress. Hindi mo namamalayan ay marami ka nang nakain na hindi healthy pagkain. Kaya, relax at kontrolin ang iyong emosyon at hiwalay mo sa pagkain mo ng mga hindi maganda sa iyong kalusugan.