Payag ka ba sa long distance relationship?
-Tigilan nyo yang LDR ha! Mahirap ang LDR. Huwag na tayong magguni-guni ha! Hello, yung mga mag-jowa ngang araw-araw at oras-oras magkasama ay naghihiwalay, kayo pa kaya?! – QC, Marilyn
-Hi-tech na ngayon may FB, Instagram, Tweeter, Skype. parang hindi naman kami magkahiwalay ng BF ko. Araw-araw kami ng video call. Tiis-tiis lang kay mahal habang nasa Singapore siya para mag-ipon. Hindi naming problema LDR. – Iloilo, Kristelle
- Marami talagang issues sa LDR. Hindi lang trust and love. Kasama pa rin dito ang time, commitment, money and of course, issue on sex. Good luck talaga, Mag-isip ka girl. Good luck. – Cavite, Lorna
- malayo man malapit din ang LDR. Pwede na maka-survive ang love affair. Ang issue na lang ay commitment. Una, update-update ganyan. Sweet-sweetan sa skype. Tapos magiging 3 times a week na lang after 1 year. Then 2 times a week na lang kasi dami ng ginagawa. Tapos biglang hindi na mag-uusap kasi super busy na, may sakit, choppy ang connection, naputulan ng net. Eh ‘di Wow. - Kuwait, Sabel
- Latest