Alam n’yo ba?
Ang pagpatay sa tatlong pari na sina Gomez, Burgos, at Zamora ng mga Kastila ay naghudyat sa kaisipan ng mga Pilipino na kumilos. Nabuo ang kilusang pangreporma ng mga Pilipinong Ilustrado. Sila ang mga Pilipinong nag-aral sa Espanya para sa kapakanan ng bansang Pilipinas tulad nina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, at Juan Luna. Taong 1872, ipinatapon ng mga Kastila sa iba’t ibang lugar ang mga Pilipino na nagkaisa naman na bumuo ng isang Kilusang Propaganda. Hiniling ng mga repormista ang layunin na magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ng mga Espanyol at Pilipino; pagkilala sa ‘Pinas bilang isa sa mga lalawigan ng Espanya; kahilingang mahirang ang Pilipinong pari sa parokyang lokal; magkaroon ng batas na karapatang pantao ng mga Pilipino; kalayaan sa pagsasalita at paglimbag at karapatang magpulong. Hiniling ng mga Pilipino na makamit ang mga layunin sa mapayapang paraan at naayon sa batas.
- Latest