Ano ang mawawala kapag pinairal ang galit?

Karaniwan ang galit ay estado ng ating isipan. Kaya kapag tayo ay galit ay mabilis tayong nawawalan ng kapayapaan sa ating isipan o peace of mind. Kahit ang ating katawan ay nadadala ng tensiyon at hindi nagi­ging komportable sa sitwasyon.

Hindi rin tayo mapakali hanggang sa nahihirapan nang makatulog dahil may gumugulo sa ating isipan dahil sa inis sa isang bagay. Imposible tayong maging masaya kapag tayo ay galit, hindi natin rin makakain dahil nawalan na ng gana sa pagkain. Sa sobra nating galit nagbabago rin ang maganda nating itsura na nagmumukha tayo tuloy monster dahil sa tindi nang nararamdaman nating pagkamuhi at tuloy ay namumula ang mukha natin.

Habang kinikimkim natin ang galit sa ating dibdib hindi talaga magiging masaya, kahit anong pilit natin dahil hindi na mapigilan ang emosyon. 

Pinakamainam ay kumalma muna. Para maiwasan na natin ang mag-react sa isang bagay, alamin muna ang buong detalye. Bago tuluyang mawalan tayo ng kapanatagan ng kalooban na hindi natin mabibili sa kahit saang tindahan o tayo ay makapagbitiw ng masasakit na salita dahil lang sa bugso ng ating galit.

Show comments