Island of the Undead 94

Takbo agad si Miley kay Lorenz pero hindi siya makalapit dahil sa mga rehas. “Lorenz! Lorenz!”

“Awwww!” Sabi ni Blizzard patay na yata.

At naintindihan naman iyon ni Miley. “Ano ka ba, Blizzard? Huwag mo ngang sabihin ‘yan. Dapat nagdadasal ka na okay siya. Dahil maraming taong umaasa sa kanyang leadership. “

Tumahimik ang taong aso.

Naramdaman ni Miley na may paparating.

Binulungan si Blizzard. “Magtago tayo, Blizzard. Diyan sa likod ng dinding.”

Nakapagtago agad sila. Ang dumating ay si Reyna Coreana. Mas pumangit pa ito kaysa dati.

“Mabuti at tulog pa si Lorenz! Hindi niya dapat makita na ganito ako! Alam ko, gandang-ganda siya sa akin noong kamukha ko si Miley! At na-in love siya sa akin! Kaya kailangang mahuli si Doktor Larry at maibalik ang dati kong kagandahan!”

Muntik nang mapasigaw si Miley sa nakita at narinig.

Tinakpan niya ang sarili niyang bibig.

Binulungan niya si Blizzard. “Diyos ko ... mas nakakadiri siya ngayon, Blizzard. At huwag na huwag tayong makita niyan, tiyak na papatayin tayo! Huwag kang mag-ingay, okay?”

Kaso may nasipa namang gamit si Blizzard. At umingay.

Naalerto agad ang reyna ng mga undead. “Sino ‘yan? Kawal? Mga kawal!”

Napatingin si Reyna Coreana sa pinagtaguan nina Miley at taong aso. Nagmamadaling lumapit, titingnan ang likuran ng dinding.

Wala naman siyang nakita.

Umalis na lang.

Nakapagtago na sa ibang sulok sina Miley at Blizzard. Nakahinga nang maluwag si Miley nang umalis ang reyna ng mga undead.

“Muntik na tayo. Blizzard, halika, lapitan natin uli si Lorenz. Narinig mo naman ang sinabi ni Reyna Coreana, tulog lang si Lorenz! Hindi siya patay!”

Umungol lang si Blizzard. Hindi natutuwa. Naiinis pa nga. Selos na selos.

Unti-unti nang gumagalaw si Lorenz, nagigising na.

“Lorenz ... ano’ng nangyari? Kumusta ang sugat mo? Okay ka lang ba?”

Nawala na ang kalasingan ni Lorenz, nagulat ito nang nakita sina Miley. “Bakit wala ka nang korona? Bakit ganyan uli ang suot mo, Miley?”

“Lorenz! Siguro ang nakita mo ay si Reyna Coreana! Ako ito, ang totoong Miley! Kung may nakita kang reyna  na kahawig ko, may korona ... si Reyna Coreana ‘yon!”

“Ako nga! At humanda ka ngayon, Miley! Ako ang papatay sa ‘yo!”-  ITUTULOY

 

Show comments