Ano ang mga sanhi ng vaginal odor?
May mga bagay na ‘di inaakalang nagiging sanhi ng vaginal odor. Naghuhugas ka naman palagi, araw-araw ka naman naliligo, laging nagpapalit ng underwear, pero talagang may amoy ang iyong private part.
Nakakaasiwa, nakakahiya, at nakakailang ‘di ba lalo na kung may ‘gagawin’ kayo ng iyong lovidovs.
Minsan mako-concsious ka pa kapag may taong lalapit sa ’yo, medyo maiilang ka kapag may katabi ka dahil baka ‘sumingaw’ at maamoy ang ‘itinatago’ mo.
Kung may problema sa vaginal odor, narito ang ilang bagay na hindi ninyo alam na nagiging sanhi ng pangangamoy.
Condom - May mga babae na allergic sa ilang uri ng kemikal o materials sa condom na pinagmumulan ng vaginal bacteria na nagiging sanhi ng pangangamoy.
Douching - Ang douching ay paghuhugas ng vagina gamit ng isang solution na nakakasira sa pH levels ng vagina na puwede ring maging sanhi ng pag-usbong ng bacteria. At kapag may bacteria, magiging sanhi ito ng pangangamoy.
Sobrang paghuhugas - Sinasabing hindi rin maganda ang sobrang malinis. Kapag panay-panay ang paghuhugas, maaapektuhan ang vaginal flora, nababago ang pH level na nagiging sanhi rin ng bacteria.
Pagpapawis-Kung ikaw ay active, laging nagpapawis, puwedeng magkaroon ng ibang amoy ang pawis sa vaginal area.
Sinasabing ang sobrang pagpapawis sa singit ay nagiging sanhi ng masangsang na amoy.
Masikip na kasuotan - Kahit hindi ka active kung masikip naman lagi ang suot mo tulad ng masikip na underwear, masikip na pants, makapal na leggings, nagiging dahilan ito para makulob ang ating vaginal area. Nagkakaroon ng pagpapawis at siyempre, magkakaroon ng pangangamoy.
Napkins/tampon - Dapat daw ay kada-4-6 oras, nagpapalit ng napkin. Karaniwang lumilipas ang buong araw bago magpalit ng napkin. Kapag may men’s na ang napkin at matagal bago magpalit nito, nagkakaroon ng pangangamoy. Ganito rin ang tampon, kapag matagal na hindi nagpapalit, nangangamoy. (Itutuloy)
- Latest