1-Uminom ng suka para tumigil ang pagdighay.
2-Para mabilis balatan ang kastanyas, painitin ito sa microwave oven ng 10 seconds.
3-Kung hindi na komportable ang pakiramdam ng iyong bibig dahil sa sobrang anghang na kinain. Magsubo ng asin. Huwag lunukin, nakababad lang sa bibig. Patagalin ng 5 seconds. Magmumog ng tubig at iluwa kasama ang asin.
4-May singaw sa gums? Pahiran ang mismong sugat ng dinikdik na tabletas ng vitamin C or vitamin B2.
5-Kung gusto mong bumilis ang paglaki ng halaman, diligin mo ito ng tsaa.
6-Ang pagtulog nang walang unan ay nagpapalakas ng gulugod at nakakabawas ng tsansa na magkaroon ng back pain.
7-Kadalasan ang height ay namamana sa tatay at ang weight ay sa ina.
8-Kung nararanasang makatulog habang nagtatrabaho o nagmamaneho ng sasakyan, iwilig-wilig (shake) ang ulo para magising. Yung ibang drayber, nagbabaon ng siling labuyo at ito ang nginangata kapag nakakadama ng antok habang nagmamaneho.
9-Lagyan ng tuyong tea bags ang nangangamoy na sapatos. Ito ang hihithit ng masamang amoy. Isang pang paraan ay ibilad ito sa araw bago gamitin.
10-Ang katamaran at kawalan ng ginagawa para maigalaw man lang ang katawan ay kasing delikado ng paninigarilyo.