^

Para Malibang

Ligtas ba ang Pagpapa-Tattoo?

ABH - Pang-masa

Noong araw mga preso lang ang nagpapa-tattoo. Ngayon bahagi na ito ng ‘fashion’ sa mga modernong kabataan. Tinitingnan nila ito bilang isang klase ng si­ning kung saan ang katawan ang ginagamit na canvas.

Usung-uso na nga ang pagpapalagay ng tattoo kaya isang pag-aaral ang isinagawa tungkol sa epekto ng tattoo sa kalusugan. Ang grupong nagsagawa ng pag-aaral ay pinamunuan ni Dr. Marie Leger, dermatologist sa New York University Langone Medical Center. Ang resulta ng kanilang pag-aaral ay nalathala sa journal of Contact Dermititis.

Sa 300 tao na may tattoo na kanilang ininterbyu, mga 10 percent ang umamin na nagkaroon ng komplikasyon ang kanilang pagpapa-tattoo. Namaga at nangati ang area na tinatuan dahil sa bacterial infection. Ang iba ay gumaling naman kaagad pero ang iba ay tumagal ng isang taon o mas matagal pa. Ipinapayo ni Leger na pumunta kaagad sa doktor kung nagkaroon ng masamang epekto ang inyong tattoo.

May regulasyong ipinatutupad sa tattoo artists at parlor sa US upang maiwasan ang infection. Ang problema lang,  ang tinta na ginagamit ay hindi sakop sa regulasyon kaya hindi malinaw kung safe ba ang ink na ginagamit.

Inamin ng Food and Drugs Administration (FDA) sa US na wala pa silang inaaprubahang tattoo pigment para iturok sa balat ng tao. Karamihan sa tattoo inks ay industrial-grade colors na compatible lang  sa  printer or sangkap sa automobile paint. Ang henna na ginagamit bilang temporary tattoos ay hindi rin aprubado ng  FDA. Inaprubahan lang ito para pangkulay ng buhok. Kaya guys, isip-isip lang, bago ipadutdot sa karayom ang inyong balat.

ACIRC

ANG

CONTACT DERMITITIS

DR. MARIE LEGER

DRUGS ADMINISTRATION

INAMIN

INAPRUBAHAN

IPINAPAYO

KARAMIHAN

NEW YORK UNIVERSITY LANGONE MEDICAL CENTER

TATTOO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with