Genuine love, paano mahahanap?
Kung marami ka nang pinagdaanang masasakit na relasyon at karanasan, malamang feeling mo malabo ka nang makatagpo ng hinahanap mong true love. Huwag susuko kailangan mo lang makita ang totoong mukha ng hinahanap mong forever. Malalaman mo ito sa mga sumusunod na pamantayan:
Commitment – Alamin kung hanggang saan ang paninindigan o pagpapahalaga niya para sa iyo. Nangangailangan ito ng katapan na makikita mo ang kanyang determinasyon na masasabi mo ring siya na nga ang kabiyak na nakalaan para makasama mo sa buhay.
Pagkakaiba ng affection at desire. Ang affection at desire ay madalas napapagkamalang parehas sa kahulugan ng love, pero hindi ito magkapareho. Iba ang pagkahulugan na mahal kaysa sa gusto mo lang makasama. Madalas akala natin true love na ang nararamdaman mo sa isang tao, pero ang tanging pagmamahal lang na nanggagaling sa Panginoon ang makapupuno nito sa atin. Iisa lang ang genuine love at ito ay mula sa Diyos na pinanggagalingan ng ating buhay.
Sakripisyo – Ang minimithin ng tunay na pagmamahal ay hinahangad hindi ang pansarili, kundi hinahanap nito ang pangangailangan ng kanyang partner.
Ang love ay isang commitment para sa ating satisfaction, security, na siyang pinaghuhugutan natin para mahalin din ang iba. Kapag tayo ay nagmahal, ginugusto rin nating ibigay ang pangangailangan ng iba, at kung ano ang makabubuti para sa kanya. Kung ganitong klase ng love ang hinahanap mo? Magsimula ka muna sa Panginoon. Siya lang ang perfect na nagbibigay sa atin ng genuine love. Kapag naranasan mo na ang Kanyang pagmamahal, saka ka lang matututong magbigay at magbahagi ng pagmamahal sa ibang tao na ibinabalik mo lang din sa pagkatanggap mo mula sa Panginoon.
- Latest