Tadhana ay ‘yung pumatol sa meron sabit at piniling maging kabit kahit na maliwanag pa sa fluorescent na maling-mali ang ginagawa at gusto pang isisi sa tadhana. Tadhana din ‘yung nag sex na walang proteksyon at nabuntis at hindi ngayon alam ang gagawin at baka makulong o kung paano isplika sa asawa sa ‘Pinas kung bakit nabuntis at pinauwi nang maaga. Tadhana ‘yung nagbubulakbol sa school kahit alam na dugo at pawis ng magulang ang pinanggagalingan ng perang pambayad sa matrikula. TADHANA - tayo mismo ang GUMAGAWA. - KEVIN, Pasig
Ikaw mismo ang gumagawa ng tadhana sa iyong buhay. Basta palagi ka lang madasal nakaalalay ang Diyos sa ‘yo. Gumawa ka ng patas sa iyong kapwa. - LARRY, Cabanatuan
Depende ‘to sa kung anong gusto mo talagang gawin. ‘Pag pinagsikapan mo ang isang bagay - ke panliligaw man o sa trabaho natural makukuha mo. - GRAY, QC
Sorry but I believe in coincidence like that guy in 500 days of summer. He he he. Sana maging ok din ang tadhana ko. - JAMES, Batangas
Okay ganito halimbawa. May batang naglalakad sa labas at tinamaan ng ligaw na bala, patay. Nasa maling lugar siya sa maling oras. Pwede mo ring masabi na nasa tamang lugar siya pero mali ang oras o nasa tamang oras pero maling lugar siya. Pero kung hindi nagpaputok ng baril, hindi sana tinamaan ‘yung bata. O kaya kung hindi binentahan ng baril ‘yung nagpaputok ay wala sana siyang baril na ginamit. O kaya kung hindi niyaya nung mga kaibigan niya ‘yung bata na umalis hindi sana siya tinamaan. Tadhana ba ‘yun na mamatay ang batang ‘yun? Lahat ng bagay na ginagawa ng tao ay may connection sa bawat tao. Ang punto ko? Wala naman. Ha ha ha. - CID, Caloocan