Alam nyo ba?
Sa Timog Asya, ang bansang India lamang ang may napakalaking lupain na halos humigit kumulanga na 54% na maaring bungkalin at pagtaniman ng halaman o palay. Malalaking bahagi naman sa mga bansang Myanmar at Brunei ay kagubatan. Ang 84% sa kagubatan ng Brunei na nabubuhay dito ang iba’t ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile. Makikita naman sa kagubatan ng Myanmar ang pinakamaraming puno ng teak sa buong mundo pati na rin ang mga goma, cinchona, acacia, at niyog. Sa Pilipinas makikita ang pinakamaraming uri ng palm at matitigas na kahoy tulad ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis, at iba pa.
Marami ring iba’t ibang pananim sa rehiyon ng bansa tulad ng palm oil, sesame, bulak, trigo, mani, soybean, niyog, cacao, kape, abaka, at mga prutas. Ang ‘Pinas din ay nangunguna sa daigdig pagdating sa produksyon ng langis ng niyog at kopra. Matatagpuan sa Pilipinas ang tamaraw, at maraming klase ng reptiles.
- Latest