Nireregla rin ang mga babies na babae
Lahat ng baby sa sinasapunan ng mommy ay tinutubuan ng bigote. Sa apat na buwan ng fetus sa pagbubuntis ng nanay, tinutubuan ng buhok ang sanggol na nagiging bigote na kumakalat sa kanyang buong katawan.
Ang buhok na ito ay tinatawag na lanugo at nalalagas naman ang buhok bago pa ipanganak ang sanggol na nakain na rin ng baby sa loob ng tiyan ng mommy. Natutunaw ang buhok sa tiyan ng sanggol na unang nagiging dumi niya na tinatawag na meconium.
Ang mga babae ay umaakting parang mga bata kapag nagbubuntis. Hindi dahil sa gusto nilang mag-feeling pabebe, kundi dahil sa pagbabago ng kanilang hormones.
Kapag naririnig mong umiiyak ang bagong sanggol, ang totoo hindi iyon iyak, kundi sumisigaw ang baby.
Nagsisimulang umiyak ang mga sanggol sa ikatlong linggo o mas matagal pa ng pagkapanganak nila, at saka pa lang sila nagpo-produce ng luha. Konti man ang luha ng sanggol, pero tiyak na magigising ka pa rin sa lakas ng pag-iyak ng mga bagets.
Ang mga nagdadalan-tao ay nagki-crave sa isang pagkain, na nagde-demand na ibigay ito agad sa kanya ang pinaglilihian niyang inaasam na kakainin. Pero kapag nasa harapan na nila ang pagkain ay nawawalan na sila ng gana.
Gusto laging naririnig ng mga baby ang boses ng babae na inaa-adapt naman subconsciously ng mga nakatatanda. Kaya madalas high-pitch din kung kausapin ang mga sanggol dahil nakukuha agad ang atensiyon nila. Ang tawag sa phenomenon na ito ay “Motherese,” pagpapatunay ito na puwedeng makontrol ang isipan ng mga baby.
Nagiging hystrical sa pag-iiyak ang mga babaeng nagdadalang tao nang walang kadahilanan.
Kapag ang mga babies ay nasa sinapupunan ng nanay, nakukuha nila ang hormones nito, kaya pagsilang ng mga sanggol ay meron na silang natural na estrogen sa kanilang katawan. Ang mga babaeng sanggol ay sumasabog din ang kanilang uterine lining kaya nagkakaroon din sila ng mini period, lahat ng baby ay nagkakagatas din ng kaunti sa kanilang mga dede. Minsan nilalabasan din sila ng dugo sa kanilang utong o nipples. (sources:Distractify;webMD)
- Latest